-- Advertisements --

Nagdesisyon si WNBA star Renee Montgomery na huwag munang maglaro ngayong 2020 season sa Hulyo.

Sinabi nito na gugugulin na lamang nya ang oras nito sa paglaban sa social justice.

Dagdag pa ng Atlanta Dream guard na matagalan ang laban sa social justice kaya kailangan itong bigyan ng maraming oras.

Dahil dito ay makakasama na niya ang superstar na si Maya Moore na umalis din sa laro para tulungan ang paglaban at makakuha ng hustisya kay Jonathan Irons.

Ang 39-anyos kasi na si Irons ay hinatulan ng burglary at panunutok ng baril noong 16 pa lamang ito.

Naniniwala ang WNBA star na hindi tama ang naging hatol ng korte kay Irons.

Nagbigay naman ng suporta si Dream coach Nicki Collen sa desisyon ni Montgomery.