Bumagsak na sa pang-walong pwesto ang Minnesota Timberwolves, labing-isang games na lamang bago tuluyang matapos ang regular season.
Tinalo kasi ng New Orleans Pelicans ang Wolves ngayong araw, March 20, at ipinalasap ang ika-31 pagkatalo mula sa 71 games na kanilang pinagdaanan ngayong season.
Tinapos ng Pelicans ang laro sa score na 119 – 115, sa pangunguna ni Zion Williamson na nagposte ng 29 points sa tulong ng 52.8 overall shooting percentage ng koponan.
Maalalang ilang lingong hinawakan ng Wolves ang ika-limang pwesto sa western conference hanggang sa bumagsak ito sa ika-anim na pwesto.
Kinalaunan, tuluyan pa itong bumaba sa pang-pitong pwesto dahil sa sunod-sunod na pagkatalo. Hinawakan ng Wolves ang naturang pwesto sa loob ng ilang lingo sa pamamagitan ng 8-game winning streak.
Noong Marso-18, tinalo ng Indiana Pacers ang Wolves sa isang overtime game at sinundan ng panibadong pagkatalo ngayong araw sa kamay ng Pelicans.
Sa kasalukuyan, hawak ng Golden State Warriors ang No. 6 sa West habang No. 7 naman ang Los Angeles Clippers.
Ang dalawang nabanggit na koponan, kasama ang Wolves, ay pinahihiwa-hiwalay lamang ng dalawang laro.