Dumanas ng 1-point loss ang Minessota Timberwolves sa kamay ng kulelat na Utah Jazz, 117 – 116.
Hindi napigilan ng Wolves ang comeback ng Jazz sa 2nd half ng laro at sa pangunguna ni Utah forward John Collins na kumamada ng 29 points at 12 rebounds sa kabuuan.
Hawak kasi ng Wolves ang 11-point lead sa pagtatapos ng 1st half, 67 – 56, ngunit hinabol ito ng Jazz sa pagpasok ng 3rd quarter.
Nagbuhos ang Jazz ng 38 points sa ikatlong quarter at tanging 26 ang naging ganti ng Wolves, daan upang tuluyang mabura ang 11-point deficit at ibulsa ng kulelat na team ang 2 puntos na lead.
Sampung segundo bago matapos ang laban sa 4th quarter, hawak pa ng Wolves ang 1-pt lead, 116 – 115. Gayunpaman, hindi nito napigilan ang cutting dunk shot ni Utah Center Walker Kessler na naghatid sa score na 117 – 116 na panalo.
Hindi na nakabawi pa ang Wolves at dinanas ang ika-29 na pagkatalo ngayong season.
Hindi nakapaglaro ang mga nagsisilbing star player ng Wolves at nanguna sa koponan ang sentrong si Naz Reid na kumamada ng 27 points, 11 rebounds double-double.
Ang panalo ng Jazz ang ika-labinlimang panalo pa lamang nito ngayong season habang lumobo na sa 44 ang hawak na pagkatalo.