Gumanti ang Minnesota Timberwolves sa top Western Conference team na Oklahoma City Thunder, 128 – 131.
Umabot sa overtime ang laban sa pagitan ng dalawang koponan matapos maitabla ng Wolves ang score sa 121 sa pagtatapos ng regulation.
Hinabol ng Wolves ang OKC sa huling quarter ng laban matapos itong dumanas ng 22-point deficit sa pagtatapos ng 3rd quarter.
Gayunpaman, sa 4th quarter ay nagbuhos ang Wolves ng 41 points kontra sa 19 points lamang na nagawa ng koponan, daan upang maitabla sa all-121 ang score at paabutin sa OT ang laban.
Sa 5-min OT, hindi na nakabawi ang OKC at dinala ng Wolves ang laban sa 131 – 128, hawak ang tatlong puntos na kalamangan.
Nasayang ang panibagong double-double ni Oklahoma guard Shai Gilgeous-Alexander na gumawa ng 39 points, sampung rebound, at walong assists, kasama ang 27 points ng forward na si Jalen Williams.
Ang dalawang OKC player ay ibinabad sa hardcourt sa loob ng 42 points.
Sa panalo ng Wolves, anim na player nito ang gumawa ng double-digit score kung saan apat sa kanila ang gumawa ng double-double performance sa pangunguna ni Jaden McDaniels na kumamada ng 27 points at sampung rebound.
Habang 17 points at 13 rebounds naman ang ipinoste ni Wolves guard Anthony Edwards.
Ang pagkatalo ng Thunder ay ang ika-11 pagkatalo nito ngayong season at nananatili pa ring top team sa West.