Hindi nakabawi ang Minnesota Timberwolves sa overtime frame ng laban nito kontra Indiana Pacers at nilasap ang ika-tatlumpong pagkatalo ngayong season.
Sa pagtatapos ng 1st half, hawak ng Pacers ang 14-point lead ngunit nagawa ng Wolves na burahin ang 12 points sa buong 3rd quarter.
Nagpatuloy ang comeback ng Wolves at sa huling bahagi ng 4th quarter ay naitabla na nito ang score sa 117.
Pumasok ang overtime at agad nagpakita ng impresibong opensa ang Wolves sa pangunguna ni Anthony Edwards.
Nagawa pa ng koponan na iposte ang 5-point lead bago ang huling isang minuto ng OT, 123 – 128.
Hindi naman bumigay ang Pacers at sa pagpasok ng huling minuto, agad ipinasok ni Thomas Bryant ang isang 3-pointer.
Sa transition, bigo ang Minnesota na gumawa ng puntos at sa pagbabalik ng bola sa Indiana, muli itong gumawa ng isang 3-pointer sa pamamagitan ni Obi Toppin.
Sa panibagong transition, ginawaran ng dalawang free throw si Edwards matapos siyang ma-foul ni Quentin Jackson. Naipasok nito ang dalawang libre at hinawakan ang 1-point lead.
Gayonpaman, matapos bumalik sa kamay ng Pacers ang bola at agad ipinasok ni Toppin ang isang 3-point fadeaway jumper, apat na segundo lamang bago matapos ang laro.
Hindi na nakabawi pa ang Wolves sa sumunod na transition play at nilasap ang 2-point loss sa kamay ng Eastern Conference No. 5 team na Indiana.
Nananatili sa ika-pitong posisyon sa Western Conference ang Minnesota, hawak ang 40 – 30 win-loss record at pasok pa rin sa Play-In Tournament, 22 games bago tuluyang matapos ang regular season.