Nalusutan ng Minnesota Timberwolves ang 4th quarter comeback ng Dallas Mavericks sa naging banggaan ng dalawa ngayong araw, 105 – 99.
Sa ikatlong kwarter ng laban ay hawak kasi ng Wolves ang 22 points na kalamangan 90 – 68.
Gayunpaman, gumawa ng 23 – 7 run ang Mavs at dinala ang score sa 97 – 91, 3 mins, 18 secs bago matapos ang laro.
Nagpatuloy pa ang scoring surge ng Dalas hanggang sa dalawang minuto bago matapos ang laro ay tanging tatlong puntos na lamang ang kalamangan ng Wolves, 99 – 96.
Nagawa naman ni Anthony Edwards na maipasok ang isang jumper bago matapos ang 1-min mark. Gayonpaman, sinagot ito ni Dallas shooter Klay Thompson ng isang 3-pointer at dinala ang score sa 101 – 99, 50 secs, bago matapos ang regulation.
Sa naging transition, ipinasok muli ni Edwards ang isang layup.
Hindi na muling nakasagot ang Mavs mula rito sa kabila ng dalawang magkasunod na 3-point attempt nina Thompson at Qentin Grimes.
Pinangunahan ni Julius Randle ang panalo ng Wolves gamit ang 23 points at sampung rebounds habang 26 points at walong rebound ang kontribusyon ni Edwards.
Sa pagkatalo ng Mavericks, nagpakitang-gilas si 1-time NBA Champion Kyrie Irving na kumamada ng 39 points habang nalimitahan lamang sa 14 points ang kapwa guard na si Luka Doncic sa 16 minutong ginugol niya sa court.