Nagpositibo rin ang Minnesota Timberwolves star na si Karl-Anthony Towns.
Ito ang kanyang kinumpirma kasunod nang anunsiyo ng Minnesota na kanselado ang laro nila laban sa Memphis Grizzlies dahil sa contact tracing sa Timberwolves’ organization.

“Prior to tonight’s game, I received yet another awful call that I tested positive for COVID,” ani Towns sa statement. “I will immediately isolate and follow every protocol. I pray every day that this nightmare of a virus will subside and I beg everyone to continue to take it seriously by taking all the necessary precautions.”
Sinasabing masakit para kay Towns ang pangyayari dahil sa ang kanyang ina ay namatay sa COVID-19 noong Abril ng nakaraang taon.
Liban nito, anim pa na miyembro ng kanyang pamilya ang pumanaw din bunsod ng deadly virus.