-- Advertisements --

Napanatili ng USA women’s basketball team ang kampeonato sa Olympics matapos talunin ang Japan 90-75.

Ito na ang pang-pitong gold medal na nakuha ng women’s basketball team.

Ang panalo ng US women’s basketball ay siyang pang- 55 na magkakasunod na panalo sa Olympic games matches at nagwagi sa ninth championship mula pa noong 1976.

Nakuha naman ng France ang bronze medal ng talunin ang Serbia nitong Sabado.