-- Advertisements --

Patuloy ang ginagawang pagpapalakas ng sports na football para sa mga kababaihan.

Sinabi ni Philippine Football Federation (PFF) senior national teams director Freddy Gonzalez, na sa pagsisimula ng 2024 PFF Women’s Cup ay nagpapakital lamang na mayroong magandang programa ang bansa larangan ng football.

Isa rin itong paraan para makapili ang Womens nationa football team ng bansa na kanilang isasabak sa mga international event.

Bumandera naman ang ilang mga koponan gaya ng Kaya Football Club (FC) Iloilo, Stallion Laguna FC, Manila Digger FC, Beach Hut, Tuloy FC, at Azzuri SC.

Kasama rin makikita ang mga manlalaro na sumabak sa FIFA Women’s World Cup 2023 kung saan nagtala ng makasaysayang panalo na 1-0 ang women’s national footballl team laban sa co-host na New Zealand.