Itinuturing ng Philippine women’s national team na bilang paghahanda sa FIFA Women’s World Cup ang nalalapit na pagsabak nila sa 31st Southeast Asian Games sa Vietnam.
Ayon kay Philippine Football Federation (PFF) president Mariano ‘Nonong’ Araneta na ang mga manlalaro na mapipili ay depende kung sino sa kanila ang makukuha sa nasabing torneo.
Naniniwala ito na magiging interesado ang nasabing koponan para sa paglahok sa torneo.
Handa aniya silang mabigyan ng allowance ang mga manlalaro para manatili sa koponan.
Gaganapin ang FIFA Women’s World Cup mula Hulyo 20 hanggang Agosto 20, 2023 sa Australia at New Zealand.
Nasa ranked 64 ang Pilipinas habang ang Vietnam ay nasa ranked number 32, pang number 38 naman ang Thailand at pang 47 naman ang Myanmar.