-- Advertisements --
Nagdesisyon ang Women’s Golf Association of the Philippines (WGAP) na kanselahin ang kanilang 2020 season dahil sa coronavirus pandemic.
Ayon sa inilabas na pahayag na dahil sa nais nilang protektahan ang kanilang mga manlalaro at miyembro kaya minabuti nilang kanselahin ito.
Gaganapin sana ngayong taon ang Philippine Ladies Open, ang premier tournament ng bansa sa mga elite amateurs.
Taunan kasi ay may mga walong tournaments sa mga member clubs at ang general champions ay nabibigyan ng parangal.
Tiniyak ng grupo na kanilang pag-uusapan kapag mayroon an silang bagong petsa para sa torneo.