LEGAZPI CITY – Hindi nagpahuli ang grupo ng mga kababaihan sa pagpapaabot ng tulong sa mga apektado ng mga aktibidad ng Bulkang Taal.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Nonie Entena, coordinator ng Gabriela Southern Tagalog, buhos ang dumarating na donasyon sa kanilang tanggapan sa relief goods habang nagsasagawa rin ng feeding program.
Katuwang aniya sa mga naturang programa ang iba’t ibang organisasyon mula sa Northern at Southern Luzon.
Target umano ng grupo na maibigay ang pangunahing pangangailangan ng mga kababaihan partikular na ang hygiene kit at health audit sa pagtukoy sa mga maysakit.
Prayoridad na matulungan ang mga pinakaapektado ng pag-aalboroto ng bulkan.
Ayon kay Entena na palagi namang umaagapay sa mga apektado sa pagdaan ng mga kalamidad sa bansa kagaya na lamang noong Bagyong Tisoy at Ursula.