-- Advertisements --
Muling nakapagtala ng kasaysayan ang Pilipinas matapos na makapasok sila sa 2026 World Lacrosse Women’s Championship.
Tinalo kasi ng Philippine women’s national lacrosse team ang Hong Kong 14-2 at China nitong Lunes sa score na 15-3 ng 2025 Asia-Pacific Women’s Lacrosse Championshp na ginanap sa Queensland, Australia.
Bagamat wala pang world ranking ang Pilipinas ay pinataob nila ang ranked 16 na Hong Kong at ranked 19 na China.
Makakasama nila sa torneo sa susunod na taon na gaganapin sa Tokyo, Japan ang bansang Australia at Chinese Taipei.
Bagamat hindi pa tapos ang qualifiers ay makakaharap nila sa non-bearing game ang Australia sa araw ng Miyerkules.