-- Advertisements --
Nauna ang women’s softball team ng Australia na mga international athletes na dumating sa Japan para sa Olympics.
Dadalo muna sa training camp sa Ota City ang koponan bago lumipat sa Athletes’ Village sa Tokyo sa Hulyo 17.
Lahat aniya ng mga miyembro nito ay naturukan na ng COVID-19 vaccine at sila ay araw-araw na sinusuri kung may virus.
Mananatili sa mga loob ng kanilang hotel ang koponan at lalabas lamang ang mga ito kapag magta-train.
Magsisimula ang mga laro sa Tokyo Olympics sa Hulyo 23.