-- Advertisements --
volleyball team
Volleyball team

Bigo ang Pilipinas na masungkit ang una nitong panalo sa single-round robin match ng 2019 Southeast Asian (SEA) Games Women’s Volleyball Tournament.

Inabot ng limang set ang mainit na laban sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam na may hawak ng 3rd place noong 2017 SEA Games.

Ang final score: 25-21, 23-25, 19-25, 25-20, 8-15.

Hindi umubra ang 22-points na pinasok ni Alyssa Valdez kontra sa team captain ng Vietnam na si Tranh Thi Thanh Thuy na tumira ng 27-points.

Bukod kay Valdez, nagpasok din ng puntos para sa Pilipinas sina Jovelyn Gonzaga at Ces Molina.

Block points naman ang na-contribute nina Maddie Madayag at Majoy Baron.

Sa Huwebes haharapin naman ng Women’s team ang koponan ng defending champions na Thailand dito pa rin sa PhilSports Arena.