Inanunsiyo ng Women’s Tennis Association (WTA) ang agarang suspensyon ng kanilang mga torneyo na isinasagawa sa China kabilang ang Hong Kong.
Kasunod ito sa kawalan ng transparency sa alegasyon ng sexual assault case ni Chinese star Peng Shuai laban sa dating mataas na opisyal ng China.
Ayon kay WTA chairman and CEO Steve Simon na base sa ginawang desisyon ng WTA ay minabuti nilang suspendihin ang lahat ng torneyo sa nasabing bansa.
Paliwanag pa nito na na hindi nila kayang mapayagang makapaglaro ang tennis player sa China kung hindi malayang makapagsalita ang manlalaro kagaya ni Shuai.
Pinangangambahan nila na baka mangyari sa ibang manlalaro ang nangyari kay Shuai ay malamang patahimikin din ito.
Hindi anila sila kontento sa ginawang video call ng International Olympic Committee at kay Shuai na nagsabing ito ay nasa mabuting kalagayan dahil hindi inilalabas ito sa publiko.
Kada taon ay mayroong 10 torneyo ang ginagawa ng WTA sa China.
Magugunitang inakusahan ni Shuai si dating Vice-Premier Zhang Gaoli ng sexual assault.