-- Advertisements --
Tuluyan ng nagretiro sa paglalaro sa national volleyball team si Aby Marano.
Sa kaniyang social media account ay inanunsiyo ng 30-anyos na dating De La Salle Lady Spiker ang tuluyan nitong pagreretiro.
Pinasalamatan nito ang kaniyang mga nakasama sa koponan at mga fans na sumubaybay sa kanilang laban.
Taong 2018 ng maging team captains ng national team si Marano.
Kasama siya sa naglaro sa national team noong Southeast Asian Games sa taong 2015, 2017, 2019 at 2022 at kabilang sa noong nagwagi ng bronze medal ang national team sa ASEAN Grand Prix noong 2019.
Pagtitiyak nito na buo pa rin ang suporta niya sa womens volleyball team ng bansa lalo na sa bagong mapipiling team captain.