-- Advertisements --

Nabigo ang Philippine Women’s Volleyball team sa koponan ng Thailand sa nagpapatuloy na 2nd ASEAN Grand Prix Women’s Volleyball Invitation.

SA simula ng laro ay hindi na pinalamang ng Thailand ang Pilipinas 25-17, 25-22, 25-12 sa laro na ginanap sa Chartchai Hall, Nakhon Ratchasima sa Thailand.

Nanguna si Tots Carlos ng Pilipinas na nagtala ng 11 points habang si Jema Galanza ay mayroong 5 points.

Susunod na makakaharap ng Pilipinas ang bansang Vietnam.

Magugunitang nagwagi ng back-to-back bronze medal ang Pilipinas noong 2019 na ang unang leg ay sa Thailand at second leg sa Santa Rosa, Laguna.