Pasok na sa quarterfinals ng Philippine women’s volleyball team matapos talunin nila ang South Korea sa nagpapatuloy na AVC Cup womens 2022.
Nadomina ng mga manlalaro ang bansa ang laro 25-18, 25-13 at 25-17 sa laro na ginanap sa PhilSports Arena.
Hindi na pinaporma ng Philippine Womens’ volleyball team ang mga South Korean players na karamihan ay mga high school players na may average na 17-anyos.
Tumagal ang laro ng isang oras at 26 minutes kung saan nalampasan ng Philippine women’s volleyball team ang pangsiyam na puwesto sa nasabing tournament noong 2018.
Dahil dito ay mayroon ng dalawang panalo at dalawang talo sa Pool A.
Makakaharap nila sa knockout quarterfinal match sa Pool B number 2 ang Thailand na mayroong 2-1 record sa laro na gaganapin sa Agosto 27.