GENERAL SANTOS CITY – Iginiit ni Mindanao State University Gensan Campus Professor Mario Aguja na ang ‘word war’ sa pagitan ng mga Marcos at Duterte ay hindi magdulot ng hindi maganda para sa mamamayang Pilipino gayundin sa pag-unlad ng bansa.
Ayon sa kanya, nakakalungkot na sa kabila ng maraming problemang kinakaharap ng bansa na nangangailangan ng atensyon ay ito pa ginagawa ng mga pinuno ng bansa.
Aniya, dapat sana ang pagtuunan ng pansin ay ang pagbibigay solusyon sa mataas na presyo ng mga bilihin, kawalang trabaho, patuloy na paghihirap ng mamamayan, at marami pang iba.
Ayon pa kay Aguja, may koneksyon ang alitan na ito sa kanilang mga kaalyado at tagasuporta noong nakaraang halalan.
Sa kanyang pananaw, simula pa lamang ito ng hidwaan ng mga sangkot at marami pang susunod lalo na’t papalapit na ang susunod na presidentail election.
Nilinaw ni Aguja na ito’y para lamang sa kanilang pansariling interes at hindi para sa mamamayang Pilipino.
Mahahalata rin na lalong umiinit ang palitan ng mga maanghang na salita nina Duterte at Marcos dahil sa itinutulak na people’s initiative na isa sa mga paraan para sa Charter Change.