-- Advertisements --

Patuloy ang “word war” nina DFA Sec. Teodoro Locsin at Health Sec. Franciso Duque III kaugnay sa isyu na nabulilyaso daw na order sana ng hiringgilya na malaking tulong sana sa vaccination drive.

Ito ay matapos na sabihin na Duque na hindi ito totoo at hindi sila nagpabaya.

Bumwelta naman si Locsin at sinabing kailanman ay hindi raw makukuwestiyon ni Duque ang kayang motibo.

Sinabi kasi ni Duque, na gusto raw ni Locsin na sundin ng DOH ang presyuhan ng mga suppliers para sa pagbili ng mga syringe dahil may batas dyan.

Ayon naman sa DFA chief, dapat sagutin na lamang ni Sec. Duque kung bakit ibinigay lamang sa isang junior level na opisyal ang pagsagot sa offer ng kompaniya ng heringgilya.

Una na ring sinabi ni Locsin na ikalawa na itong pagkakataon na sumablay ang DOH sa pagtanggap ng alok mula sa Amerika na noong una ay ukol sa isyu ng Pfizer vaccines.