Saklaw na rin sa bagong implementing rules and regulations (IRR) ang “work-from-everywhere” maliban pa sa “work-from-home” arrangements sa ilalim ng Republic Act No. 11165, o ang Telecommuting Act of 2018.
Ang telecommuting ay isang bagong work arrangement.
Ayon kay Department of Labor and Employment (Dole) Workers’ Welfare and Protection Cluster Undersecretary Benjo Benavidez, ang bagong IRR ay nakapaloob sa Department Order No. 237 na inisyu noong Setyembre 16 bilang tugon sa evolving nature of work sa gitna ng pandemiya.
Aniya, ito ang dahilan kung bakit nabago ang kahulugan ng terminong “alternative workplace” sa bagong IRR.
Nilinaw pa ni Benavidez na anumang lugar kung saan maaring isagawa ang trabaho sa pammagitan ng telecoomunications at computer technology ay maituturing bilang alternative workplace.
Nakasaad din sa IRR na ang trabaho na nagagawa sa alternatove workplace ay kailangang tratuhin na parehong lebel gaya ng trabaho na ginagawa sa regular workplace o sa employer’s office samakatuwid ang telecommuting workers ay hindi ikinokonsidera bilang field personnel.