-- Advertisements --
Pinalawig pa ni Department of Finance (DOF)Secretary at Fiscal Incentives Review Board (FIRB) Chairman Benjamin Diokno ang 70-30 hybrid work arrangement para sa mga Information Technology and Business Process Management (IT-BPM) locators.
Ang nasabing kumpanya ay dapat rehistrado sa Philippine Economic Zone Authority.
Base sa FIRB Resolution 017-22 mahalaga panatilihin ang nasabing 70% on-site at 30% work from home arrangement.
Paliwanag ni Diokno na magtatapos na kais ang unang resolution na kanilang ipinasa sa darating na Setyembre 12, 2022 sa mga WFH arrangement para sa IT-BPM companies.
Maglalabas aniya rin sila ng resolution para talakayin ang isyu.