-- Advertisements --

Magsasagawa muna ang Commission on Elections (Comelec) ng work-from-home scheme simula ngayong araw sa mga tanggapan nila sa Maynila dahil na rin sa pahirapan ang pagbiyahe bunsod ng road closures dulot na rin ng napakahigpit na heightened security measures kaugnay sa inauguration rites ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Huwebes, June 30.

Ayon kay Comelec spokesperson John Rex Laudiangco ang kanilang work from home ay magtatagal hanggang bukas na kinabibilangan ng main office nila sa Intramuros, ang Offices ng Regional Election Director for National Capital Region, Region 4A at Region 4B at ang Office of the Election Officer sa Manila.

Sa kabila nito, tiniyak ng Comelec na tuloy pa rin naman ang kanilang public service, gayundin mga online meetings at maging ang mga online hearings at iba pang transactions.

Samantala, ang main office naman ng Bureau of Immigration (BI) na nasa lungsod din ng maynila ay meron lamang skeleton workforce hanggang bukas.

Sa kabila ng mga schedul adjustment nito ay tiniyak pa rin ng kagawaran na mananatiling tuluy-tuloy pa rin ang kanilang immigration services.