Nanindigan ang hanay ng mga employers hinggil sa inaasahan umanong negatibong epekto sa ekonomiya sakaling maisabatas ang Anti-Endo Bill.
Sa isang panayam sinabi ni Employers Confederation of the Philippines president Sergio Ortiz-Luis, magmimitsa ang panukala para mabawasan ang oportunidad para sa mga Pilipino.
Dagdag pa nito, dapat tutukan na lang ng pamahalaan ang paglikha ng mas maraming trabaho.
“We fear that we will lose foreign direct investment and local investment. If you prohibit contracting and subcontracting, why would investors come here?†ani Luis.
Pareho rin ang sentimyento ng Philippine Chamber of Commerce and Industry na nababahala sa banta na malunod sa overtime ang mga kompanya dahil tiyak daw na maghihigpit ang mga ito sa hiring ng empleyado.
Habang para sa American Chamber of Commerce dapat maging metikuluso ang Kongreso kapag sumalang na sa bicam ang panukalang batas.
Ayon sa Associate Labor Union-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) hindi naman mahahatak pababa ng regularasisyon ang ekonomiya ng Pilipinas.
“Sa kasalukuyan, yung mga manggagawa na tumulong para yumaman ang ating ekonomiya ay maliit ang sahod at walang security of tenure. Kung gagawin natin silang regular workers, malaki yung tsansang na kapag yumaman (pa) ang ating ekonomiya, kasamang makikinabang yung ating mga manggagawa,” ani ALU-TUCP spokesperson Alan Tanjusay sa panayam ng Bombo Radyo.
Nitong Miyerkules nang lumusto sa plenaryo ng Senado ang Anti-Endo Bill.
Pero sa kabila nito, naniniwala ang ilang labor groups na maaga pa para magdiwang dahil marami raw butas ang binalangkas na panukala ng mga mambabatas.
“The proposal is far from labor’s demand to abolish trilateral work arrangements, which is the basis for the anti-worker scheme of contractualization,†ani Ka Leody De Guzman