-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Posibleng may kinalaman sa kanyang trabaho ang motibo sa pamamaril patay sa isang kawani ng Commission on Election (Comelec-Maguindanao) sa Cotabato City.

Nakilala ang nasawi na si Jonathan Pagadas Ganta,43 anyos, may asawa, empleyado ng Comelec Maguindanao at residente ng Purok Balabaran Barangay Rosary Heights 10 Cotabato City.

Sugatan naman ang isang trycycle driver na si Guiamad Utto Akmad nang tamaan ng mga ligaw na bala.

Ayon kay Cotabato City Police Office Station 2 Commander Captain Rustum Pastolero na naglalaro lamang ng chess ang biktima sa loob ng kubong pahingahan di kalayuan sa kanilang tanggapan ng itoy pagbabarilin ng mga hindi kilalang suspek gamit ang M16 Armalite rifles.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin sakay ng isang motorsiklo patungo sa liblib na lugar sa syudad.

Naisugod pa ang biktima sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) ngunit dineklara ito ng mga doktor na dead on arrival matapos magtamo ng maraming tama ng bala sa katawan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Cotabato City PNP sa pamamaril patay sa biktima na posibling may kinalaman sa kanyang trabaho.