LEGAZPI CITY – Kinalampag ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Dante Jimenez ang tulong ng mga makakasama sa Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Bilang ICAD co-chair sinabi ni Jimenez sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na “working committee” ang ninanais nito upang magtuloy-tuloy ang tagumpay sa kampanya.
Giit ni Jimenez na matagumpay ang nakalipas na tatlong taon ng drug war subalit nangangailangan pa rin ng pagtutulungan ng bawat member agency.
Target rin ni Jimenez na makipag-ugnayan sa China, Cambodia, Laos at sa iba pang bansa na tipikal na pinagmumulan ng mga bulto ng iligal na droga na ibinabagsak sa bansa.
Maanghang pang pananalita ni Jimenez na hindi “bakasyunan” ang komite na nakasentro sa pagbuwag ng mga drug syndicates.
Hindi naman maiwasang tingnan nin Jimenez na may “political tone” ang pahayag ni VP Leni Robredo sa drug war habang nangakong babasahin rin ang ulat ng kapwa Bicolano sa isyu ng iligal na droga.