Aprubado na ng Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF) ang pagsasagawa ng workshops, trainings, seminars, congresses, conferences at board meetings sa mga general community quarantine (GCQ) areas.
Batay sa naging pasya ng IATF, maaaring isagawa ang mga nabanggit na event sa hotel, restaurant, ballroom and function halls sa loob ng hotel o hotel premises at mall atria.
Nasa 30 percent venue capacity lamang ang allowed o papahintulutan batay na rin sa naturang direktiba ng IATF habang pwede na rin ang consumer trade shows.
Kaugnay nito ay inaatasan ang Department of Tourism (DOT) at Department of Trade and Industry (DTI) na maglabas nang kaukulang guidelines para dito.
Maliban dito, inaatasan din ng IATF ang Department of Health (DOH), Department of Labor and Employment (DOLE), DILG, DOT at DOTr na mag-isyu ng memorandum circular para idetalye ang requirement sa pagkakaroon ng Safety Seal na kung saan ay inoobliga ang pagkakaroon ng Stay Safe application at QR Code na ilalagay sa entrances ng mga kinauukukang establisimiyento.