-- Advertisements --

Nagbitiw sa kaniyang puwesto ang pangulo ng Association Internationale de Boxe Amateur o AIBA ang international governing body ng amateur boxing na si Gafur Rahimov.

Ito ay sa kadahilanan na nahaluan na raw ng politika ang organisasyon.

Nahalal kasi noong Nobyembre si Rahimov kahit na ito ay nasa sanctions list ng US Treasury Department dahil sa pagbibigay umano suporta sa criminal organization.

Ikinabahala na rin noon ng International Olympic Committee (IOC) ang pagkahalal ni Rahimov.

Sinabi ng 67-anyos na si Rahimov, papalitan siya ngayon ng kanilang interim president.

Ipinagmalaki ni Rahimov na sa kaniyang maikling panunungkulan ay napababa raw niya ang utang ng organisasyon na mula sa dating $18 milyon ay naging $15.6 million na lamang ito.