-- Advertisements --

Nangunguna sa listahan si World Athletics chief Sebastian Coe na matunog ang pangalan na susunod na magigin pangulo ng International Olympic Committee.

Si Coe ay isa sa pitong kandidato na nakatakdang pumalit kay IOC president Thomas Bach.

Ilan sa mga makakaharap nito ay sina Kirsty Coventry, na umaasang maging unang babae at African na mamumuno ng IOC at si cycling boss David Lappartient.

Gaganapin ang halalan sa IOC Session sa Athens mula Marso 18-21 sa susunod na taon.

Una ng inanunsiyo ng 70-anyos na si Bach noong Paris Olympics na hindi na ito interesado na tumakbo muli sa posisyon.