-- Advertisements --
Ikinalugod ng mga bansa ang naging anunsiyo ng World Athletics na sa unang pagkakataon ay magpapamigay ito ng cash prize sa Olympics.
Ayon kasi sa World Athletics na bawat 48 gold medalists sa athletic events ay makakatanggap ng $50,000 o katumbas ng mahigit P2.5 milyon.
Sinabi ni World Athletics President Sebastian Coe , na malaking mabebenepisyuhan dito ang mga atleta ng track and field kung saan hindi sila gaanong napapansin.
Ang nasabing pagbibigay ng cash prize ay natalakay na noon sa International Olympic Committeee kung saan ngayon lamang ito ipinatupad sa papalapit na Paris Olympics.
Mayroong kabuuang $2.4 milyon na mula sa revenue share ng IOC na inilalaan nila sa World Athletics.