-- Advertisements --
image 265

Nag-anunsyo si World Bank Chief David Malpass na siya ay bababa sa puwesto halos isang taon nang mas maaga, na magtatapos sa isang panunungkulan bilang head ng pinakamalaking bangko ng pandaigdigang hiraman.

Ang beterano ng Republican administration sa Estados Unidos ay itinalaga sa tungkulin noong 2019 noong si Donald Trump ang pangulo at dating nagsilbi bilang Under Secretary ng Treasury para sa mga international na gawain.

Ang kanyang panunungkulan sa World Bank ay napaayos ang organisasyon na nakipagbuno sa mga pandaigdigang krisis tulad ng pandemya ng COVID-19, ang pagsalakay ng Russia sa Ukraine at isang international na paghina ng ekonomiya ng iba’t ibang bansa.

Sa nakalipas na mga buwan, si Malpass ay sumalungat sa mga panawagan para sa kanyang pagbibitiw sa puwesto.

Dagdag dito, nanawagan kasi ang mga climate activist na patalsikin si Malpass dahil sa sinabi nilang hindi umano sapat ang diskarte nito para sa climate crisis.

Iginiit pa ni World Bank Chief David Malpass na hindi nito sumasang-ayon sa sinasabing ang climate warning emissions ay dahil na rin umano sa gawa mismo ng mga tao kaya ito nararamdaman.

Aniya, hindi naman daw siya isang scientist upang masabi kung anu-ano ang mga nangyayari para magdulot ng climate crisis sa buong mundo.

Una na rito, ang termino ni Malpass bilang World Bank chief ay orihinal na matatapos sa taong 2024.