-- Advertisements --

Papayagan ng World Bank (WB) financing mechanism ang mga developing countries na bumili ng COVID-19 vaccines sa pamamagitan ng COVAX facility.

Itinatag ang COVAX upang masiguro na ang 92 mga bansa ay magkaroon ng access sa coronavirus vaccines upang labanan ang pandemya.

Pahihintulutan ng bagong mekanismo ang mga bansa na bumili ng karagdagang doses kahit nakatanggap na sila ng mga bakuna via Covax.

Gamit ang pera mula sa World Bank at iba pang development banks, ang nasabing pasilidad ang siyang bibili ng mga bakuna mula sa mga vaccine manufacturers base sa demand ng bansa.

Ang COVAX ay pinamunan ng World Health Organization (WHO), Gavi vaccine alliance at Coalition for Epidemic Preparedness Innovations.