-- Advertisements --

Hinikayat ng World Bank ang gobyerno ng Pilipinas na patawan ng value-added tax ang mga online at digital platforms.

Ayon sa World Development Report ng World Bank na mayroong $5 bilyon na kita mula sa buwis ang nawala dahil sa hindi pagpataw ng VAT ng mga bansang kinabiiblangan ng Thailand, Singapore, Pilipinas, Indonesia, Vietnamn at Malaysia.

Sakaling hindi pa magpatupad ng pagbubuwis ang nasabing mga bansa sa mga digital platform ay baka lalong tataas pa ang mawaalang kita.

Posibleng aabot sa mahigit $9 billion ang hindi nakokolektang buwis sa 2023, $11-B sa 2024 at $14-B sa 2025.

Lumabas kasi sa pag-aaral ng World Bank na dumami ang bilang ng mga nagsasagawa ng online transactions sa nasabing mga bansa.