-- Advertisements --

Inaprubahan na ng World Bank ang $300 million loans bilang pandagdag sa “Pantawid Pamilyang Pilipino Program” o “4Ps”.

Ayon sa World Bank ang nasabing loan ay panibagong funding na makakatulong sa mga mahihirap na pamilya sa loob ng dalawang taon.

Mayroong $1.7 billion na taunang budget ang 4Ps at ang karagdagang funding mula sa World Bank ay masasagot nito ang 9 percent ng funding hanggang June 2022.

Sa kasalukuyan ay mayroong 4.2 milyon pamilya ang nakikinabang sa 4Ps kabilang na ang 8.7 million na kabataan.