-- Advertisements --
image 131

Nag-anunsyo ang World Bank ng $1.78 billion o katumbas ng P97.2billion na tulong upang makabangon mula sa mga pinsala ng 7.8 magnitude na lindol ang Turkey at Syria.

Ang malakas na lindol ay kumitil sa buhay ng mahigit sa 20,000 katao at 70,000 naman ang nasugatan doon sa sampung lalawigan ng bansa.

Ayon kay World Bank President David Malpass sa isang pahayag, ang agarang tulong na $780 milyon ay iaalok sa pamamagitan ng Contingent Emergency Response Components mula sa dalawang umiiral na proyekto sa Turkey.

Kaugnay niyan, naghahanda na din ang naturang bangko para sa iba pang mga agarang tulong at assessment kung anu-ano ang dapat na unahin na sa pagsasaayos ng mga istrukturang napinsala ng nakamamatay na pagyanig.

Una na rito, ang tulong umano ay gagamitin para sa muling pagtatayo ng mga pangunahing imprastraktura na kinakailangan para sa Turkey at Syria.