Ni-realign ng World Bank ang $1.9 billion na halaga ng utang ng Pilipinas para sa pagrekober sa epekto ng coronavirus.
Sa sulat ni World Bank country director for Brunei, Malaysia, Philippines at Thailand na si Nadiame Diop, na ang hakbang ay para matugunan ang COVID-19 crisis.
Kinabibilangan ito ng programa para ma-improve ang social protection para sa mga mahihirap at mga pagpapalakas ng kapasidad ng gobyerno na magbibigay ng basic education sa pamamagitan ng distance learning.
Mula noong Agosto 5 ay nakapagbigay na ang World Bank ng $1.2 billion na financial assistance sa Pilipinas para sa emergency relief sa mga sektor na apektado ng pandemic.
Kinabibilangan ito ng $500 million Third Disaster Risk Management Development Policy Loan, $599 million Emergency COVID-19 Response Development Policy Loan at $200 million na karagdagang loan para sa Social Welfare Development and Reform Project II.
Bukod pa sa pagbibigay ng World Bank ng $100 million para sa COVID-19 Emergency Response Project at $370 million para Support to Parcelization of Lands for Individual Titling Project.
Sa kabuuan ay mayroong $8.13 billion ang kabuuang loans and grants.