-- Advertisements --

Itinigil na ng World Bank ang kanilang financial support sa Afghanistan.

Ito ay sa gitna ng pag-aalala tungkol sa kapalaran ng mga kababaihan sa ilalim ng pamumuno ng Taliban.

Ayon kay World Bank spokesperson Marcela Sanchez-Bender lubos silang nababahala tungkol sa sitwasyon sa Afghanistan at ang epekto sa mga inaasahang pag-unlad ng bansa, lalo na para sa mga kababaihan.

Nauna nang nangako ang World Bank ng higit sa $ 5.3 bilyon para sa mga proyekto sa pag-unlad sa Afghanistan.

Ang Afghanistan Reconstruction Trust Fund, na pinamamahalaan ng World Bank ay nakalikom ng higit sa $ 12.9 bilyon.

Itinigil muna nila ang disbursement sa kanilang mga operasyon sa Afghanistan at mahigpit nilang sinusubaybayan ang sitwasyon alinsunod sa internal policies at procedures.

Sinabi ng World Bank na magpapatuloy ang kanilang pagkonsulta sa international community at mga development partners.

Napag-alaman na nahaharap ang mga mamamayan ng Afghanistan sa banta ng inflation matapos na humina ang currency ng bansa nang bumagsak ang US-backed government sa Kabul.