Nag-alok ng suporta ang World Bank (WB) sa mga ginagawang hakbang ng Pilipinas para masolusyunan ang malaking problema ng bansa sa plastic pollution.
Sa isang forum, sinabi ni Agata Pawlowska handang bigyan ng World Bank ang Pilipinas ng financial support sa problema sa basura.
Isa nga sa nakikita niyang makakatulong ng husto para sa bansa ay ang multi-donor trust fund na PROBLUE na inilunsad noong nakaraang taon.
“At the national level, we are already working with several national governments and the private sector in Southeast Asia to support the development and implementation of policies and regulations, to increase knowledge on the quantities of plastic waste and pollution hotspots, to develop plastic policies and roadmaps, and to finance critical investments,” ani Pawlowska.
Sa 2015 report ng US based environmental group na Ocean Conservancy at ng McKinsey Center for Business and Environment, kanilang tinawag ang Pilipinas bilang ikatlo sa ocean polluter ng plastic sa mundo dahil sa 2.7 million toneladang basura nako-contribute kada taon.
Iginiit naman ni Joel Palma, chief executive officer ng World Wide Fund For Nature (WWF)-Philippines na ang problema ng Pilipinas sa basura ay dapat na masolusyunan sa lalong madaling panahon dahil inaasahan na dodoble ang volume nito pagsapit ng 2025.