-- Advertisements --
Sumalang na kanina sa official weigh-in ang Pinoy world champion na si Jerwin Ancajas kaugnay sa nakatakdang pagdepensa ng kanyang korona bukas.
Gagawin ang title fight sa estado ng Connecticut sa Amerika.
Idedepensa ng Pinoy champion ang kanyang korona sa IBF super-flyweight division.
Sa pagtimbang medyo magaan si Ancajas sa 114.8 pounds habang ang Mexican challenger na si Jonathan Rodriguez ay eksaktong may bigat na 115 pounds.
Kahapon lamang ay nagnegatibo sa COVID test si Anacajas, 29, kaya tuloy na tuloy na ang muling pag-akyat nito sa ring.
Ang record ng kampeon ay 32 at isa pa lamang ang talo.
Ang Mexican boxer naman ay wala pang talo mula sa 22 panalo.