BAGUIO CITY – Labis na ipinagmamalaki ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang mga modernong sports venues para sa nalalapit na hosting ng Pilipinas sa ika-30 edisyon ng Southeast Asian (SEA) Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 ng kasalukuyang taon.
Si Cayetano ang tumatayo ring chairman ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc), na siyang pangunahing tagapangasiwa sa preparasyon ng bansa para sa nasabing premiere regional sports meet.
Inilarawan niya bilang world-class ang mga itinayong venues sa Pampanga, Tarlac, Batangas, Cavite at Metro Manila.
Masaya ang speaker sa mabilis na pagpatatayo sa mga sports facilities na gagamitin sa SEA Games na dadaluhan ng mahigit sa 50,000 na mga delegado mula sa 11 mga member Asian countries.
Sa ngayon ay todo abala na ang committee sa pagbigay ng accreditation sa mga kasapi ng local at international media na magco-cover sa SEA Games.
Habang ang ibang mga national athletes ay nagkaroon na rin nang pagkakataon na ma-testing ang ipinagmamalaking brand new sports facilities na Athletics Stadium, Aquatics Center at Athletes’ Village sa bahagi ng Tarlac.