Ipinag-utos ng top court ng United Nations na agad na ihinto ng Russia ang operasyong militar nito sa Ukraine, kasabay ng pagpapahayag ng pag-aalala sa labis na paggamit nito sa pwersa ng Moscow.
Sinabi ng mga judge ng International Court Justice sa isang 13-2 decision na dapat na agad na suspindihin ng Russian Federation ang kanilang military operations na sinimulan nito noong Pebrero 24 sa teritoryo ng Ukraine.
Idinagdag nila na dapat ding tiyakin ng Russia na ang ibang pwersang nasa ilalim ng kontrol nito o sinusuportahan ng Moscow ay hindi dapat ipagpatuloy ang operasyong militar.
Inihain ng Ukraine ang kaso nito sa ICJ ilang sandali matapos magsimula ang pagsalakay ng Russia noong Peb. 24, na nagsasabing walang batayan ang nakasaad na katwiran ng Moscow, na kumikilos ito upang pigilan ang isang genocide sa silangang Ukraine.