-- Advertisements --

DAVAO CITY – Umapela ng suporta ang OFW at football fans para sa World Cup defending champion France Football team, sa final game nito laban sa Argentina.

Ayon kay Bombo International Correspondent Dick Villanueva, may purong pinoy sa France Football National team na siyang naging dahilan kung kaya’t nag champion ang France sa World Cup below 23 laban sa Uruguay noon.

Si Alphonse Francis Areola na taga Davao City, ang isa sa mga substitute goal keeper sa France.

Dagdag pa ni Villanueva na kinakabahan na umano ngayon ang Argentina dahil sa ipinakitang mahigpit na depensa at agresibong opensa ng France sa pagkapanalo nito laban sa Morocco sa semi final game.

Samantala sa naging laban ng France at Morocco, dagsa ang football fans sa Champs Elysees sa Paris dala ang kanya kanyang flag upang makisaya.

Nagpatupad naman ng mahigpit na seguridad ang kapulisan sa France kung saan ginawang barikada nito ang mga Police van sa kahabaan ng Champs Elysees at Arc de Triomphe, upang maprotektahan ang mga luxury store kagaya sa Louis Vuitton mula sa magnanakaw.

Sa darating na linggo Desyembre 18 ay ang final match ng France vs Argentina.

Exciting ang magiging final game ng world cup, dahil tatangkain ng France na madepensahan ang kanilang titulo bilang defending champion habang ilalaban naman ng Argentina sa pangunguna ni Lionel Messi ang kampeonatu para sa kanyang huling laro sa World Cup.