Hindi umano tatanggapin ng World Cup champions na US women’s team ang imbitasyon mula kay President Donald Trump na bumisita sa White House.
Ayon kay star striker Megan Rapinoe, nakausap na raw nito ang kanyang mga teammates at nagkakasundo raw sila sa kanilang pasya.
“I don’t think anyone on the team has any interest in lending the platform that we’ve worked so hard to build and the things that we fight for and the way that we live our life, I don’t think we want that to be co-opted or corrupted by this administration,” wika ni Rapinoe.
Binanatan din ni Rapinoe, na isa sa mga LGBT players ng team, ang “Make America Great Again” slogan ni Trump.
“I would say that your message is excluding people. You’re excluding me. You’re excluding people that look like me. You’re excluding people of color,” ani Rapinoe.
Matatandaang noong araw ng Linggo, nagapi ng US ang Netherlands 2-0 upang madepensahan ang kanilang korona sa prestihiyosong kompetisyon.
Una nang nangako si Rapinoe na hindi raw ito aalis sa kanilang bahay sakaling imbitahan ito ni Trump sa Washington.
Sumagot naman si Trump at iginiit na dapat ay igalang ng footballer ang kanilang bansa, ang White House at ang kanilang watawat lalo pa’t malaki ang nagawa nito para sa kanya at sa kanilang team.
Matatandaang ilan sa mga tumanggi sa alok ni Trump ang Golden State Warriors ng NBA, at ang Super Bowl winners na Philadelphia Eagles ng National Football League.