-- Advertisements --

Kinansela na ng organizer ng World Cup of Pool ang kanilang torneo ngayong taon dahil pa rin sa coronavirus pandemic.

Gagawin sana ito sa Jeddah, Saudi Arabia sa darating na Hunyo 23-28.

Mismong mga promoter ng events sa Saudi Arabia gaya ng Matchroom Pool, kasama ang MoS (Ministry of Sports) at CBX ang nagdesisyon sa nasabing pagkansela.

Isinaalang-alang nila ang mga kalusugan ng mga lalahok ganun din ng mga manonood sa torneo.