BAGUIO CITY – Matagumpay ang isinagawang “World day of Remembrance for Crash Victims” sa pangunguna ng Land Transportation Office (LTO)-Cordillera sa Bokawkan Road, Baguio City nitong araw ng Linggo.
Ayon kay Francis Ray Almora, regional director ng LTO-CAR, layunin ng aktibidad na mabawasan o kaya’y matigil ang mga nangyayaring aksidente sa naturang kalsada.
Aniya, napili ang Bokawkaw Road bilang venue dahil kadalasang dito nangyayari ang mga vehicular traffic accidents.
Inihayag niyang aabot sa 23 katao ang nasawi dahil sa aksidente sa Bokawkaw Road mula taong 2012 hanggang 2019.
Kaugnay nito ay tiniyak ni Almora na nababantayang maigi ang nasabing kalsada para maiwasan ang mga aksidente doon.
Kahapon ay isinagawa ang pa-blessing sa kalsada at pagkatapos ay nagtirik ng kandila ang mga nakibahaging kamag-anak ng biktima ng mga aksidente at ilang drivers ng mga pampublikong sasakyan.