Iginiit ng Malacañang na may maganda na namang oportunidad na naghihintay para sa bansa ang nakatakdang pagbiyahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong parating na linggo.
Nakatakdang dumalo si Pangulong Marcos sa World Economic Forum sa Davos, Switzerland na naka-schedule sa January 16 hanggang January 20.
Sinabi ni Malacañang Press Briefer Daphne Osena-Paez, kanilang itinuturing ang gagawing pagdalo ng Pangulo sa World Economic Forum bilang pagharap sa world stage.
Tsansa ito, para maipalaam sa mga lider ng iba’t ibang bansa na magandang mamuhunan sa Pilipinas.
Kasama na din ang kahandaan ng bansa sa pagtanggap ng mga dayuhang mamumuhunan at mabigyang-diin na ang Pilipinas ay attractive for investment.
Matatandaang sa mga nakaraang biyahe ng Pangulong Marcos ay lagi nitong ipinapahayag na ang Pilipinas ay “now open for business.”