-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nawalan ng pagkakataon ang South Korea na magsilbing host ng World Expo 2030 na gaganapin sana sa syudad ng Busan.

Kasunod pa rin ito sa naging epekto ng hindi maayos na ‘political climate’ ng South Korea dahil sa bangayan ni embattled South Korean President Yoon Suk Yeol at opposition controlled National Assembly House.

Sa salaysay ng Bombo Internantioan News Correspondent ng South Korea na si Jia Etulle,nagdulot ng malaking negatibong epekto ang martial law declaration ng kanilang pangulo dahilan na gumalaw ang kanilang ekonomiya.

Sinabi ni Jia na marami rin sa foreign investors appointment ang kinansela dahil sa unstable political situation ng Korya.

Maging ang South Korean-made Artificial Intelligence products ang nadamay rin dahil sa makakadismaya na liderato ni Suk Yeol.

Magugunitang kahit na nalagpasan ni Suk Yeol ang impeachment case laban sa kanya subalit nagtalaga naman ang parliament house ng ‘special counsel’ upang ito ay tuloy na imbestigahan sa martial law declaration nito sa kanilang bansa.