-- Advertisements --
Pansamantalang itinigil ng World Food Programme ang kanilang pagdeliver ng mga pagkain sa northern Gaza.
Ayon sa ahensiya na nakakaranas ng karahasan ang kanilang mga aid convoy dahil sa patuloy na pinaigting na military operations ng Israel laban sa Hamas doon.
Labis na natatakot ang kanilang crews sa tuwing humaharap sa mga tao kung saan sila ay pinagnanakawan pa at binabantaan.
Nagbabala na ang United Nations ng pagdami ng mga nagugutom mula noon pang nakaraang taon.
Magugunitang inatasan ng Israeili military ang mahigit 1.1 milyon na Palestinian civilian na lumikas na sa north Gaza dahil sa pinaigting ng military operations nila laban sa Hamas.