Bumuhos ang pakikiramay sa pagpanaw ng lider ng Simbahang Katolika na si Pope Francis ngayong araw, Abril 21 sa edad na 88 anyos.
Ito ay matapos kumpirmahin ngayong araw ni His Eminence Cardinal Kevin Farrell, Camerlengo of the Apostolic Chamber ang pagpanaw ng Santo Papa sa kaniyang residence sa Casa Santa Marta sa Vatican.
Kabilang sa nagbigay ng tribute sa Santo Papa ang ilang world leaders gaya ni French President Emmanuel Macron na tinawag ang Santo Papa bilang isang “man of humility” habang inilarawan naman ni Dutch Prime Minister Dick Schoof ang Santo Papa bilang isang role model para sa mga mananampalatayang Katoliko maging sa non-Catholics.
Inilarawan naman ni European Parliament President Roberta Metsola si Pope Francis sa kaniyang nakakahawang ngiti na nag-capture sa milyun-milyong puso ng mga tao sa buong mundo.
Pinuri naman ni Israeli President Isaac Herzog ang walang hanggang compassion ng Santo Papa.
Inilarawan naman ni Swiss President Karin Keller-Sutter si Pope Francis bilang isang “great spiritual leader at walang kapagurang tagapagtaguyod ng kapayapaan.
Ang pagpanaw ni Pope Francis ay isang araw matapos magpakita ang kaniyang public appearance sa St. Peter’s Square nitong Easter Sunday.
Si Pope Francis ang unang Santo Papa sa mahigit isang siglo na ililibing sa labas ng Vatican.
Ihihimlay ang labi ni Pope Francis sa Basilica ng St. Mary Major, isa sa apat na major papal basilicas sa Roma.